Mga Dahilan Kung Bakit Kailangan Maging Mapanuri
MAPANURI – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba mahalaga ang maging mapanuri at kung bakit ito kailangan.
Maraming mga bagay ang nangyayari sa pang araw-araw nating buhay. Pero, kapag hindi tayo magiging mapanuri, maaari tayong maapektuhan sa mga negatibong paraan.
Kaya naman, kailangan nating matutunan kung paano maging mapanuri, lalo na para sa mga estudyante. Bukod dito, mahalaga rin na ating matutunan ang pagiging mapanuri para maka tulong tayo sa mga isyung panlipunan.
ANO ANG MAPANURI? – Ang pagiging mapanuri ay magkasingkahulugan sa pagiging kritikal. Ito’y nagbibigay ng mga benepisyo sa ating pag-iisip at sa ating mga kilos.
MGA BENEPISYO NG PAGIGING MAPANURI
Pagtugon sa mga suliranin – Ayon sa mga pananaliksik ng mga iskolar, ang pagbuo ng mapanuring pag-iisip ay tumutulong sa pag-unlad ng pagsusuri ng impormasyon.
Dahil dito, mas madaling malaman kung ano ang tama at mali base sa impormasyong nakuha. Karagdagan, mas makakagawa ng mabuting kilos ang mga tao.
Pagkamalikhain – Kapag ikaw ay mapanuri, makakagawa ka ng mga paraan upang matugunan ang mga problemang nahaharap.
Pagkaroon ng Opinyon na may lubos na kabatiran – Lahat tayo ay mayroong karapatan na maglahad ng ating opinyon. Pero, kung alam naman natin na mali ang isang bagay, huwag na nating ipadaan bilang “opinyon” lamang.
Tinitiyak ng kritikal na pag-iisip na ang iyong mga opinyon ay may kaalaman at batay sa pinakamahusay na magagamit na mga katotohanan.
Mapapalakas ang iyong kumpiyansa kapag nakita mong nagtitiwala ang mga nakapaligid sa iyo na ang iyong mga opinyong pinag-isipang mabuti.
Pagkakaroon ng mas mabuting relasyon sa ibang tao – Ang paggamit ng kritikal na pag-iisip ay ginagawang mas bukas ang pag-iisip at mas nauunawaan ang mga pananaw ng iba.
Dahil sa pagiging mapanuri, malalaman natin kung ang ibang tao ay:
- Hindi makatotohanan sa mga salita nila at kilos.
- Walang balak na ika’y tulungon.
- Ginagamit ka lamang para sa sariling mga interes.
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Epekto Ng Globalisasyon Sa Edukasyon – Halimbawa At Kahulugan