Paano Sumulat Ng Sanaysay? Guideline Ng Pagsulat (Pormal/Impormal)

Heto Ang Mga Guideline Sa Kung Paano Sumulat Ng Isang Sanaysay

PAGSULAT NG SANAYSAY – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang 10 guideline sa kung paano sumulat ng isang sanaysay at ang mga halimbawa nito.

Ang mga sanaysay ay maaaring maging pormal o impormal. Dahil dito, ang paraan kung paano gumawa ng sanaysay ay nag-iiba.

Paano Sumulat Ng Sanaysay? Guideline Ng Pagsulat (Pormal/Impormal)

MAHIRAP BA GUMAWA NG SANAYSAY?

SAGOT: Hindi mahirap gawin ang isang sanaysay, pero, may mga guideline lang tayong dapat sundin kapag sinusulat na ito. Bukod dito, kailangan din nating lubusang intindihin ang isang paksa at mag pokus sa isang aspeto nito.

MGA HADLANG SA PAGSULAT NG SANAYSAY

Para maintindihan natin kung paano ang tamang paraan ng paggawa ng sanaysay, kailangan nating pag-aralan ang mga hadlang dito.

  • Alam ang paksa pero hindi alam kung paano simulat at tapusin ang sanaysay.
  • Naintindihan ang paksa ngunit hindi alam kung ano ang pokus nito.
  • Naiintindihan ang pokus ng paksa ngunit nahihirapang ayusin ang mga ideyang pumapasok.
  • Alam ang paksa pero madaling mawala sa pokus ang sinusulat.
  • Paulit-ulit lamang ang ideya sa loob ng paksa.

Kapag na pag-aralan na natin ng mabuti ang mga hadlang sa pagsulat ng sanaysay, atin namang tatalakayin ang sumusunod:

Mga Dapat Tandaan Sa Pagsulat Ng Sanaysay:

  • Tema
  • Pamagat
  • Talata
  • Punto
  • Balangkas
  • Panimula
  • Tono
  • Tamang Gramatika
  • Pagtatapos

TEMA – Dapat nating basahin ng lubusan ang pokus o paksa ng ating sulat. Posible ito maging tungkol sa sarili, opinyon, paglalarawan, reaksyon, at iba pa.

PAMAGAT – Ang pamagat ng sanaysay ay dapat naka ayon sa tema ng paksa. Hindi dapat ito mahaba at iwasan ang mga pamagat na patanong. Kailangan itong makapukaw sa kalooban ng mga mambabasa.

TALATA – Ang isa sa pinakamahalagang guideline sa pagsulat ng sanaysay ay “isang punto, isang talata”. Ibig sabihin, sa loob ng isang talata, dapat isa lamang ang diwa at hindi pinag sama-sama ang ibat’-ibang ideya para hindi mawalan ng pokus.

PUNTO – Dapat maging malinaw ang punto ng mga pangungusap. Tanungin ang sarili kung ano nga ba ang gustong ipahiwatig sa mambabasa.

BALANGKAS – Kung maaaring gawin, gumawa ng isang maikling outline o “balangkas” para malaman mo ang mga bagay na ilalagay sa sanaysay sa bawat talata.

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.

BASAHIN DIN: Bakit Mahalaga Ang Pagdarasal At Panalangin? 5+ Halimbawa Nito

Leave a Comment