Paano Gumawa Ng Sanaysay – Halimbawa At Paliwanag

Paano Gumawa Ng Isang Magaling Na Sanaysay? (Sagot)

SANAYSAY – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung paano nga ba tayo gumawa ng isang magaling na sanaysay.

Heto ang limang simpleng “tips” o payo para tayo’y makakasulat ng isang mahusay at ka aliw-aliw na sanaysay tungkol sa anumang paksa.

Pag-aralan ang paksang tatalakayin – Hindi ka maaaring sumulat tungkol sa isang bagay kapag ika’y walang alam tungkol dito. Sa pamamagitan ng pag-aaral sa paksa, mas marami kang bagay na puwedeng gamitin sa iyong sanaysay.

Paano Gumawa Ng Sanaysay – Halimbawa At Paliwanag

Isulat muna ang katawan ng sanaysay – Alam naman natin na ang isang sanaysay ay may tatlong bahagi – “Simula, katawan at Wakas”.

Mas madali tayong makaka sulat ng sanaysay kapag inuna natin ang katawan dahil mas madali tayong makaka kuha ng impormasyon tungkol sa ating paksang susulatin.

Ang unang gawin ay mag-isip ng paksa at mag sulat ng tatlong pangunahing “key points” tungkol dito.

Gumamit ng mga pangatnig o “transitional devices” – Ito’y nagsisilbing tulay upang ma konekta ang dalawang magkaibang ideya tungkol sa iisang paksa.

Para sa pangwakas ng iyong sanaysay, humanap ka ng paraan upang bumalik ang pinaguusapan mo sa panimula ng iyong sanaysay.

Halimbawa: ang paksa mo ay tungkol sa quarantine at ang panimula mo ay ang mga bagay-bagay na ginagawa ng mga tao habang sila’y hindi makalabas.

Sa pang wakas mo, maaari kang magbigay ng katanungan tungkol sa ginawa ng taga-basa sa kanilang quarantine o kaya kung ano ang gagawin kapag matapos na ito.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.

BASAHIN DIN: Paano Maiiwasan Ang Krimen At Ang Paglaganap Nito Sa Lipunan?

Leave a Comment