Sinasagisag Ng Watawat Ng Pilipinas – Kahulugan At Iba Pa

Ano Ang Sinasagisag Ng Watawat Ng Pilipinas? (Sagot)

SINASAGISAG NG WATAWAT – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng mga nasa watawat ng Pilipinas.

Ang ating watawat ay simbolo ng ating pagiging Pilipino. Pero, higit sa lahat, ito’y naging simbolo ng ating kalayaan at ating kasarinlan.

Sinasagisag Ng Watawat Ng Pilipinas – Kahulugan At Iba Pa

Sa ating watawat, makikita natin ang iba’t-ibang kulay at mga simbolo. Heto ang kahulugan ng bawat isa:

Ang puting tatsulok na ating makikita sa watawat ay sumisimbolo sa kalayaan, kapatiran, at pagka pantay-pantay ng bawat Pilipino.

Samantala, ang kulay asul naman ay nangangahulugan sa kapayapaan, katotohanan, at katarungan ng layong makamit ng ating bansa.

Ang pulang kulay naman sa ating watawat ay nagiging simbolo at sagisag ng kagitingan at pagkamakabayan, katulad lamang ng dugo ng mga bayani na binigay ang buhay para sa bayan.

Ating tandaan na ang ating watawat, katulad lamang ng mga watawat sa ibang bansa, ay nagiging simbolo ng ating kalayaan. Ito ay nagsasabi na ang ating bansang Pilipinas ay malaya at katulad lamang ng ibong lumilipad.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.

BASAHIN DIN: Kahalagahan Ng Debate – Bakit Mahalaga Ang Isang Debate? (Sagot)

Leave a Comment