Ano Ang Kahulugan Ng Komunikasyon Batay Sa Kalikasan? (Sagot)
KOMUNIKASYON BATAY SA KALIKASAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang komunikasyon batay sa kalikasan.
Ang komunikasyon ay nagbibigay ng oportunidad na ibahagi ng tao sa kanyang kapwa ang kanyang mga opinyon, ideya, emosyon, o ano mang impormasyon. Ito ang kalikasan ng komunikasyon, ang pagbibigay daan para makapaglipat ng impormasyon ang mga tao.
Ating tandaan na ang komunikasyon ay hindi lamang nahuhulog sa kategorya ng wika. Ito ay dahil ang komunikasyon ay may maraming anyo. Heto ang mga halimbawa:
Berbal na komunikasyon – Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng mga salita. Maaaring pasulat o pasalita
Di berbal na Komunikasyon – Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng kilos o galaw.
Isa rin sa mga kalikasan ng komunikasyon ay ang proseso nito. Nagsisimula ang proceso ng komunikasyon sa pagkakaroon ng isang pinanggalingan o “source”.
Pagkatapos nito, dito na nangyayari ang “encoding” o paglalagay ng mensahe sa anyo ng komunikasyon na gusto niya. Sunod, dumadaan sa isang channel ang wika at dito na nangyayari ang “decoding” o ang pagintindi ng mensaheng ipinadala.
Halimbawa:
Kinausap ni Peter ang kaibigan niyang si Eva. Ang mensahe or “source” ay galing kay peter. Pagkatapos, ang “channel” o anyo ng komunikasyong ginamit nito ay ang berbal na komunikasyon. Nang narinig ni Eva ang mensahe ni Peter, agad nitong na “decode” o na intindihan at nagpadala rin ito ng “feedback” o isang sagot pabalik kay Peter.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Halimbawa Ng Tuluyan O Prosa At Kahulugan Nito