Ano Nga Ba Ang Kahulugan Ng Indeks At Halimbawa Nito?
INDEKS – Bilang isang estudyante, mahalaga na malaman natin kung ano nga ba ang kahulugan ng isang indeks at kung paano ito ginagamit.
Sa madaling salita, ang isang indeks ay isang listahan kung saan nakalagay ang mga mahahalagang impormasyong tungkol sa isang espesipikong paksa. Kadalasan nakikita dito ang mga impormasyon katulad ng: manunulat, subject, mga keywords atbp.
Kapag ang pinag-uusapan natin ay indeks ng libro, ang mga ito ay nakikita sa likurang bahagi ng mga aklat. Ang paggawa ng index sa isang libro ay nakaayos sa isang maliwanag at madaling unawaan na paraan.
Ito’y naglalayon na mabigyan ang mga mambabasa ng paliwanag sa mga mahihirap intindihin na salita at paksa. Kaya naman, dapat madali itong maintindihan at nang hindi sila magkandaligaw-ligaw.
Halimbawa:
Gusto mong hanapin sa aklat ang salitang “pabrika.” Imbis na isa-isahin ang mga pahina mula sa umpisa hanggang sa mahanap ang salitang iyon, atin lamang pupuntahan ang indeks na nasa bandang hulihan ng libro. Iilang pahina lang ang indeks. Pupunta ka sa parte ng indeks kung saan nagsisimula ang mga salita sa letrang “p-”
pabrika 69
pagano 420
pala 95
palabok 36
palahayupan 189
palaisdaan 258
pato 179
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Uri Ng Pananaliksik Halimbawa At Kahulugan Ng Mga Ito