Ano Ang Kahulugan Ng Talata Ng Paglilipat? (Sagot)
TALATA NG PAGLILIPAT – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng talata ng paglilipat at mga halimbawa nito.
Ang pagkakaugnay ng mga talata ay isa sa pinakamahalagang parte ng pagsusulat. Kailangan mong gumawa ng paraan upang magkaugnay ang diwa ng talawang talatang may magkaibang paksa o ideya.
Importante ito upang magkaroon ng ugnayan at kaisahang ng mga pahayag sa mga talataan ng komposisyon. Ginagamit ang talatang ito upang pag- ugnayin ang diwa ng dalawang magkasunud na talata.
Halimbawa:
Si Peter ay may alagang aso na malaki na kilala bilang si Woofy. Ang asong ito ay mabait at mapagmahal sa kanyang amo.
Katulad lamang ni Peter, si Eva ay mayroon ring alagang hayop. Pero, hindi ito asa kundi isang pusang pinangalanang “Brownie”. Subalit, hindi mabait na pusa si Brownie at palaging naghahanap ng away.
Gayunpaman, mahal na mahal ni Peter at ni Eva ang kanilang mga alaga ano man ang mga katangian ng mga ito.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph
BASAHIN DIN: Ano Ang Balakid At Kahulugan Nito – (Hadlang Sa Gawain)