Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kakayahang Sosyolinggwistiko?
KAKAYAHANG SOSYOLINGGWISTIKO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang Kakayahang Sosyolinggwistiko at ang mga halimbawa nito.
Ang Sosyolinggwistiko ay ang pag-aaral ng relasyon ng wika at lipunan. Ito’y nagbibigay pansin sa kung ano ang ankop na gamiting wikang naka depende sa iba’t ibang konteksto.
Samakatuwid, ang kakayahang sosyolinggwistiko ay ang pagkakaroon ng instrumento ng tao na gamitin ang wika upang ito ay umayon sa kinakailangang sitwasyon ng komunikasyon.
Atin ring bigyan pansin ang mga ugnayan ng mga taong nagsasalita at ang pinaguusapan, at lugar kung saan man sila naguusap.
Halimbawa:
Sitwasyon: Pangangamusta
- Kung ang kausap ay mas may edad kesa sa iyo, o sinumang di natin masyadong kilala, ang dapat sabihin ay “Kamusta po kayo?”
- Pero, kapag ang kausap naman ay kaedad at isang kaibigan, maaring natin sabihing “Uy! Kamusta ka na?”, o iba pang di-pormal na mga paggamit ng komunikasyon.
Ito’y ginagamit natin para hindi tayo lumabas na masyadong “feeling close”, lalo na sa mga bago pa lang nating nakilala.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Halimbawa Ng Congratulatory Card At Paano Ito Gawin – (No Photoshop)