Ano Ang Buod Ng Kwentong “Alamat Ng Baysay”? (Sagot)
ALAMAT NG BAYSAY – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang buod ng Alamat ng Visayas Na “Alamat Ng Baysay”.
Sa panahon ng mga Kastila, mayroong itinatag na bayan sa Visayas. Ang mga taong tumulong sa mga Pilipino upang itatag ito ay tinawag na “Heswita”.
Puro digmaan at pananakop ng lupain at ari-arian ang nagaganap sa panahong ito. Dahil dito, dumarami ang mga tulisang dagat. Ito’y nagdulot ng takot sa mga mamamayan sa muling pagsalakay ng mga bandido.
Pero, sa tulong ng Heswitang pari, nakalikas ang mga mamamayan ng Balud sa isang malapit na nayon. Ang nayon na ito ay nadaraanan kapag ika’y papunta sa Binongtoan.
Namuno dito ang apat na pari na sina “Ambrocio Makarumpag, Tomas Makahilig, Juan Katindoy, at Francisco Karanguing“.
Sa tulong ng mga paring ito, nagawang patatagin ng mga mamamayan ng Balud ang bagong nilang komunidad. Tumayo sila ng malakas na depensa upang sila’y hindi na mapasukan ng mga tulisang dagat na bandido.
Matatag at malakas ang bayang itinatag sa tulong ng mga Heswita. Subalit, wala pa itong pangalan. Kaya naman, nag pulong ang mga mamayan upang ito’y bigyan ng pangalan.
Nagkaisa ang lahat na pangalanang Baysay ang bago nilang lugar. Ang ibig sabihin ng “Baysay” ay “maganda“.
ARAL – Kapag nagkaisa ang mga tao, madaling umunlad at umayos ang isang komunidad. Bukod rito, sumasalaysay rin ang alamat na ito ng temang pagkakaisa. Kahit ibang lahi ang mga Heswita, sila’y binati at sa huli ay naging dahilan pa ng pagunlad ng buhay ng marming tao.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN RIN: Maikling Pabula Halimbawa – Mga Pabula Na May Kasamang Aral