Paghubog Ng Konsensiya Halimbawa At Kahulugan

Ano Ang Paghubog Ng Konsensiya At Mga Halimbawa Nito?

PAGHUBOG NG KONSENSIYA – Sa paksang ito, tatalakayin nating kung ano ang paghubog ng konsensiya at mga halimbawa nito.

Una sa lahat, ating munang aalamin kung ano ang ibig sabihin ng salitang “konsensya“.

Ang konsensya ay ang tinig loob ng isang tao na nagbibigay gabay sa mga panahon na may moral na pagpasiya. Ito ay isa sa mga bagay na nag uudyok sa tao na gumawa ng kilos ay desisyon.

Paghubog Ng Konsensiya Halimbawa At Kahulugan

Ang mga sumusunod ay ang mga halimbawa ng Antas ng Paghubog ng Konsensya:

  • ANTAS NG LIKAS NA PAKIRAMDAM AT REAKSIYON
  • ANTAS NG SUPEREGO
  • KONSENSYANG MORAL

LIKAS NA PAKIRAMDAM AT REAKSIYON – Ito’y nagsisimula sa ating pagkabata dahil hindi pa nakaka alam ang isang bata sa kung ano ang tama at mali, mabuti o masama.

Kaya, umaasa lamang ito sa mga payo at gabay ng mga magulang o ang mga tao sa kanyang paligid. Malaki rin ang pagkakaapekto nito sa kaniyang kilos, lalo na habang lumalaki ito.

ANTAS NG SUPEREGO – Sa paglaki ng isang bata, ang impluwensya ng isang taong inilalarwan niya bilang awtoridad ay may pasiya sa kanyang mga kilos. Ang awtoridad na ito ang nagpapatakbo ng kilos moral ng isang bata.

KONSENSYANG MORAL – Sa panahong ito, na lagpasan na ng bata ang taong may awtoridad. Unti-unti na itong namumulat para sa kanyang sarili kung ano ang tama at kung ano ang mali.

Dito na pumapasok ang panloob na tinig na gumagabay sa atin na gawin ang moral na desisyon. Ito ang dahilan kung bakit may nararamdaman tayo na mali kapag gumawa dayo ng maling aksyon.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.

BASAHIN RIN: Katangian Ng Pagpapakatao Halimbawa At Kahulugan Nito

Leave a Comment