Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Utak-biya? (Sagot)
UTAK-BIYA KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang utak-biya. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.
Ang “utak-biya” ay isang halimbawa ng sawikain o “idiom” sa wikang Ingles. Ang idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay di kompusisyunal – sa ibang salita, ang mga salitang ito ay hindi direktang nag bibigay ng tumpak na kahulugan.
Ang mga ganitong uri na mga salita ay kapaki-pakinabang dahil binibigyan ka nila ng bago o malikhaing paraan upang ipahayag ang iyong sarili. Ito’y tumutulong din upang pagyamanin pa ang ating wika.
Ang terminong “utak-biya” ay kadalasang aririnig ito sa radio, telebisyon, pelikula, o sa kahit sa ordinaryong usapan. Nababasa din ito sa mga kwento, sanaysay, at tula.
Ang talinhagang ito ay tumutukoy sa taong mahina ang isip, maliit ang ulo o mapurol ang ulo. Ibig sabihin nito, kapag ang isang tao ay utak biya, hindi niya agad naiintindihan ang isang impormasyon o kaalaman na ipinahahayag. Hindi rin ganun kabilis ang pagunawa at pag-intindi niya sa natatanggap na kaalaman.
BASAHIN DIN: Tengang Kawali Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng utak-biya:
- Hindi na naman nakapasa ang iyong kapatid sa pagsusulit. Manang mana ka talaga sya sa ama mong utak biya.
- Kung tawagin ng ilan ay utak biya itong si Pedro.
- Mabagal ang pag asenso ng ating bansa dahil kalimitan daw ng nanunungkulan sa ating pamahalaan ngayon ay utak biya.
- Kung makapag-salita si Berna akala mo’y maraming alam pero utak-biya naman.
BASAHIN DIN: Tulak Ng Bibig Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page