Tulak Ng Bibig – Kahulugan At Halimbawa Nito
TULAK NG BIBIG KAHULUGAN – Pagtalakay sa totoong ibig sabihin ng tulak ng bibig at tamang paggamit nito sa isang pangungusap.
Ang “tulak ng bibig” ay isa sa pinaka sikat na sawikain o idyoma sa bansa. Ang mga sawikain ay maaaring mukhang kumplikado sa simula, ngunit maaari silang maging kawili-wiling matutunan.
Ang mga sawikain ay kapaki-pakinabang dahil binibigyan ka nila ng bago o malikhaing paraan upang ipahayag ang sarili. Ang pag gamit ng mga salitang ito ay tumutulong din upang pagyamanin pa ang ating wika.
Ang ibig sabihin ng tulak ng bibig ay salita lamang o hindi tunay sa loob ang sinasabi. Sa Ingles, matatawag itong “insincere words.”
Mayroong ilang mga kahulugan ang terminong ito tulad ng pagsisinungaling, kapag ikaw ay isang ipokrito, nagpapaka plastik, o kunwari ayaw, pero gusto naman.
BASAHIN DIN: Takaw-tulog Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng tulak ng bibig:
- Puro tulak ng bibig lamang naman ang alam ni Karen.
- Kung ako sayo’y sasamahan ko ng gawa at hindi puro tulak ng bibig lamang ang aking paiiralin.
- Ibang klase rin ang kaibigan mong si George, puro tulak ng bibig.
BASAHIN DIN: Tengang Kawali Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page