Tengang Kawali Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Tengang Kawali? (Sagot)

TENGANG KAWALI KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang ibig sabihin ng salitang tengang kawali at ang mga halimbawa nito na ating makikita.

Ang “tengang kawali” ay isang halimbawa ng sawikain o “idiom” sa wikang Ingles. Ang idyoma ay mga kasabihan na karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw upang ipahayag ng ilang ideya o opinyon.

Ang pag-unawa sa mga salitang ito ay mahalaga dahil may malalim o indi tiyak na kahulugan. Ang pag gamit nito’y tumutulong ding upang pagyamanin pa ang ating wika. Minsan ang mga idyoma ay ang tanging paraan upang maipahayag ang isang partikular na ideya.

Tengang-Kawali-Kahulugan-1

Ang sawikain na “tengang kawali” ay nanganganaghulugan ng hindi pag-iintindi sa sinasabi ng nagsasalita. Naririnig nila ang sinasabi ng nagsasalita pero ito ay hindi nila naiintindihan.

Maari din itong gamiting pantawag sa taong nagbibingi-bingihan lamang. Ang teminong ito ay isa sa pinaka popular na idyoma sa bansa.

BASAHIN DIN: Takaw-tulog Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Tengang-Kawali-3
Photo Source: My Homeworks

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng tengang kawali:

  • Si Yolanda ay pinapaglitan ng kanyang ama dahil siya ay di umuwi sa takdang oras. Ngunit siya ay nagtaingang kawali lamang sa sinasabi ng kanyang ama.
  • Nagtetengang-kawali na naman si Kokoy.
  • Si Veronica at nagtataingang kawali dahil ayaw niyang mautusan.
  • Nag taingang-kawali na naman si Josie habang tinatawag ng kanyang amo.

BASAHIN DIN: Sira Ang Tuktok Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment