Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Parehong Kaliwa Ang Paa? (Sagot)
PAREHONG KALIWA ANG PAA KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang parehong kaliwa ang paa. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.
Ang “parehong kaliwa ang paa” ay isa sa pinaka popular na sawikain o idyoma sa bansa. Importanteng malaman natin ang kahulugan ng mga matalinhagang salita dahil hanggang ngayon, ginagamit parin ito sa mga libro, radyo, telebisyon, o maging sa ordinaryong usapan.
Minsan ang mga idyoma ay ang tanging paraan upang mabigyan ng diin ang isang partikular na ideya. Ang pag gamit nito’y tumutulong din upang pagyamanin pa ang wikang Pilipino.
Ang sawikaing parehong kaliwa ang paa ay nangangahulugan na ang isang tao ay hindi marunong sumayaw o matigas ang katawan. Ang bawat galaw ng kanyang paa o kataway ay hindi masabayan ang tugtog o indayug.
BASAHIN DIN: Pagpaging Alimasag Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng parehong kaliwa ang paa:
- Huwag mo na akong yayain dahil parehong kaliwa ang paa ko.
- Ayaw ko sanang sumali sa patimpalak dahil parehong kaliwa ang paa ko ngunit kailangan.
- Hindi pinasali ni maam si Helga dahil parehong kaliwa ang kanyang paa.
- Mana si Jenny sa kanyang ama na parehong kaliwa ang paa.
BASAHIN DIN: Huling Baraha Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page