Matalas Ang Ulo – Kahulugan At Halimbawa Nito
MATALAS ANG ULO KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang matalas ang ulo at iba pang kaalaman tungkol dito.
Ang salitang matalas ang ulo ay isang halimbawa ng sawikain o “idiom” sa wikang Ingles. Ang sawikain ay salita o grupo ng mga salita na patalinghaga.
Ang mga ganitong uri ng salita ay nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang bagay, kaganapan, sitwasyon o pangyayari. Ang mga sawikain ay may dala rin mg aral. Malalalim na salita ang ginagamit sa idyoma at pinapalitan ang pangkaraniwang tawag kung kaya ito ay nagiging matatalinghagang pahayag.
Ang matalas ang ulo ay tumutukoy sa isang tao na matalino o mabilis na umunawa ng impormasyon. Ang terminong ito ay ginagamit upang ilarawan ang taong napakalinaw at mabilis na nag-iisip.
Ang talinhagang ito ay ginagamit parin hanggang ngayon. Ito’y naririnig kadalasan sa telebisyon, radyo, o sa ordinaryong usapan.
BASAHIN DIN: Masama Ang Loob Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng matalas ang ulo:
- Ako ay nagagalak dahil matalas ang ulo ng aking mga anak.
- Si Peter ang namumuno sa amin dahil matalas ang kanyang ulo.
- Madaling nasagutan ni Mercy ang problem sa agham dahil matalas ang ulo niya.
- Mahilig mag-aral kaya matalas ang ulo ng aking bunsong anak.
BASAHIN DIN: Masama Ang Panahon Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page