Kayod Kalabaw – Kahulugan At Halimbawa Nito
KAYOD KALABAW KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng kayod kalabaw at ang halimbawa nito.
Ang salitang “kayod kalabaw” ay isang halimbawa ng idyoma o “idiom” sa wikang Ingles. Ang idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, ito’y di binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo.
Ang mga matalinhagang salita ay hindi tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar. Ito’y karaniwang ginagamit ng mga at manunulat o tagapagsalita sa radyo o telebisyon. Ginagamit din ito maging sa ordinaryong usapan.
Ang salitang “kayod kalabaw” ay ginagamit pantawag sa taong walang tigil sa pagtatrabaho. Ang ibang pantawag dito ay pagsisipag o todo sikap.
Ang isang masipag na tao ay handang matuto at palaging naghahanap ng mga bagong paraan upang umunlad ang kanyang buhay.
BASAHIN DIN: Hinahabol Ng Karayom Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng kayod kalabaw:
- Ang ama nila ay kayod kalabaw upang sila’y makapagtapos sa pag-aaral.
- Kailangan kong magkayod-kalabaw para makapasa sa pagsusulit.
- Ang mga tao ang tila kayod kalabaw sa kanilang trabaho dahil hirap ng panahon ngayon.
- Ang mga magulang natin ay nagkayod kalabaw upang tayo ay mabuhay.
BASAHIN DIN: Mahigpit Ang Sinturon Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page