Hinahabol Ng Karayom Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Hinahabol Ng Karayom – Kahulugan At Halimbawa Nito

HINAHABOL NG KARAYOM KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng hinahabol ng karayom at ang mga halimbawa nito na ating makikita.

Ang hinahabol ng karayom ay isang halimbawa ng sawikain o idyoma. Ang mga sawikain ay matatalinhagang salita na kung minsan ay nagpapahiwatig ng sentimyento ng isa o grupo ng mga tao.

Hinahaluan ng mga manunulat o linggwistiko ng mga sawikain ang kanilang mga obra dahil ito’y mas naging kawili-wili pa o nagiging misteryoso. Ang mga matalinhagang salita ay kadalasang ginagamit sa pagsulat ng malikhaing akda katulad ng tula, awit, dula at iba pa.

HINAHABOL-NG-KARAYOM-KAHULUGAN-1

Ang ibig sabihin ng hinahabol ng karayom ay punit ang damit o butas ang damit. Sinasabi natin na ang isang tao ay hahabulin na ng karayom upang punahin siya o maayos nya ang damit na kanyang suot.

Maaari rin itong pantawag sa tao na kinapos sa tela ang tahi ang kanyang damit o di kaya naman ay masyadong expose na kasuotan.

BASAHIN DIN: Parehong Kaliwa Ang Paa Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Man
Photo Source: Loctite

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng hinahabol ng karayom:

  • Butas-butas ang damit ni Tom ng ito ay magtungo sa paaralan; kaya’t nasabihan siya ni Ginoong Ramirez na tila hinahabol siya ng karayom.
  • Hinahabol ng karayom ang damit na sinuot ni Lenny kanina sa klase.
  • Ang tinahing damit ni Georgia ay hinahabol ng karayom sa iksi.
  • Nakita ko ang pulubi kaninang may suot ng damit na hinahabol ng karayom.

BASAHIN DIN: Huling Baraha Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment