Makapal Ang Palad – Kahulugan At Halimbawa Nito
MAKAPAL ANG PALAD KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang makapal ang palad. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.
Ang salitang “makapal ang palad” ay isang halimbawa ng sawikain o idyoma. Ang sawikain ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo.
Ang mga ganitong uri ng salita ay hindi tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar. Karaniwan itong ginagamit ng mga linggwistiko at manunulat.
Ang talinhagang “makapal ang palad” ay tumutukoy sa taong masipag o masigasig sa kanilang gawain. Sa Ingles, matatawag itong “hardworking.”
Tinatawag na makapal ang kanilang palad dahil ilalapat talaga nila ng kanilang sarili sa kanilang trabaho na may sipag at tyaga.
BASAHIN DIN: Mahabang Dulang Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng makapal ang palad:
- Makapal ang palad ng mga frontliners.
- Bata pa lamang si Cathy ay tumutulong na siya sa kanyang mga magulang. Kung kaya siya ay makapal ang palad.
- Ang aking ama ay araw at gabing kumakayod para sa aming magkakapatid kung kaya makapal ang kanyang palad.
- Makapal ang palad ng mga magulang dahil sinisikap nilang makapagtrabaho upang matustusan ang aming pangangailangan.
BASAHIN DIN: Mahangin Ang Ulo Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page