Mahangin Ang Ulo – Kahulugan At Halimbawa Nito
MAHANGIN ANG ULO KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang mahangin ang ulo at iba pang kaalaman tungkol dito.
Ang “mahangin ang ulo” ay isang idyoma o “idiom” sa wikang Ingles. Ang mga idyoma ay mga expression na nakakatulong upang ilarawan ang isang sitwasyon o pangyayari sa mas malikhaing paraan.
Ang pag gamit sa mga salitang ito ay nakakatulong rin upang mapalawak pa ang pangunawa ng mga tao sa wikang Pilipino. Ang terminong mahangin ang ulo ay isa sa pinaka sikat na idyoma sa bansa.
Ang “mahangin ang ulo” ay tumutukoy sa taong mayabang o mapagmataas. Ang terminong ito ay madalas na iniuugnay sa isang taong may negatibong pag-uugali dahil madalas nyang sabihin sa iba ang mga bagay-bagay na taglay nya na may buong pusong pagmamalaki.
Ang kasing kahulugan ng salitang ito ay hambog, maangas, nagpaparangya, at mahangin. Ang talinhagang ito ay kadalasang naririnig sa mga radyo, telebisyon, o kahit sa ordinaryong pag-uusap.
BASAHIN DIN: Magkataling-puso Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng mahangin ang ulo:
- Masyadong mahangin ang ulo ni Dino kaya lagi siyang napapaaway.
- Mahangin kasi ang ulo si Sandro kaya nabugbug ng isang grupo ng mga kabataan.
- Siya ba yung lalaking mahangin ang ulo?
- Mula nang manalo sa Lotto ang dating kusinero ay naging mahangin ang ulo ng mga anak nitong babae.
BASAHIN DIN: Mahabang Dulang Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page