Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Magkataling-puso? (Sagot)
MAGKATALING-PUSO KAHULUGAN – Pagtalakay sa totoong ibig sabihin ng magkataling-puso at tamang paggamit nito sa isang pangungusap.
Ang “magkataling-puso” ay isang halimbawa ng sawikain o “idiom” sa wikang Ingles. Ang pag-aaral ng mga idyoma ay nakakatulong upang pagyamanin pa ang tradisyon ng lahing Pinoy.
Ang terminong ito ay isa sa pinaka popular na sawikain sa bansa. Kadalasan itong naririning sa radyo, telebisyon, o pelikula. Minsan, naririnig din ito sa ordinaryong usapan.
Ang ibig sabihin ng “magkataling-puso” ay ang pagkakaroon ng buong pusong pagmamahal sa isang tao. Ito’y tumutukoy sa mga taong nag-iibigan o mag-asawa.
Karamihan sa mga tao ay naniniwala magkakaugnay o nakatali ang kanilang puso sa kanilang kabiyak. Ang sawikaing ito ay sumasalamin sa ideya ng dalawang taong magpakailanman ay magsasama.
BASAHIN DIN: Magaling Ang Kamay Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng magkataling-puso:
- Magkataling-puso na pala sina Pepe at Yen.
- Masayang nagsasama ang bagong magkataling puso.
- Hindi niyo ba alam na matagal ng magkataling-puso sina Hope at Terry?
- Kailan pa naging magkataling-puso sina Kiko at Mandy?
BASAHIN DIN: Magaan Ang Kamay Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page