Maamong Kordero – Kahulugan At Halimbawa Nito
MAAMONG KORDERO KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng maamong kordero at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang maamong kordero ay isang sawikain o idyoma. Ang pag-aaral ng mga sawikain ay nakakatulong upang payamanin pa ang tradisyon ng lahing Pilipino.
Ang terminong ito ay isa sa mga popular na ginagamit na ekspresyon sa mga sulatin sa Tagalog. Ito’y kadalasan ding naririnig sa simbahan, radyo, telebisyon, o sa ordinaryong usapan.
Ang “maamong kordero” ay tumutukoy sa isang tao na napapakabait o kalmado. Maari din itong pantawag sa taong inosente o banayad na tao.
Ang taong napakabait ay naihahalintulad sa isang tupa dahil ang mga ganitong uri ng hayop ay hindi agresibo at paminsan minsan lang nagagalit.
BASAHIN DIN: Laylay Ang Balikat Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng maamong kordero:
- Ang anak ni Mang Roy ay tila maamong kordero kaya laging pinupuri ng kanyang guro.
- Bakit kaya sa maamong kordero na si Vicki pa nangyari ang bagay na ito?
- Papaano naging maamong kordero ang dating basagulerong si Pedro?
- Para silang mga maamong kordero sa gitna ng mga gutom na leon.
BASAHIN DIN: Kidlat Sa Bilis Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page