Laylay Ang Balikat – Kahulugan At Halimbawa Nito
LAYLAY ANG BALIKAT KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang laylay ang balikat. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.
Ang “laylay ang balikat” ay isang halimbawa ng sawikain o “idiom” sa wikang Ingles. Ang sawikain ay salita o grupo ng mga salita na ang kahulugan ay hindi tuwirang naglalarawan ng isang bagay, sitwasyon o pangyayari.
Nabuo ang mga salitang ito matagal na kaya maaring hindi mo maiintindihan ang ibig sabihin nito. Ang pag-aaral ng mga idyoma ay nakakatulong upang payamanin pa ang tradisyon ng lahing Pilipino.
Ang idyomang “laylay ang balikat” ay tumutukoy sa taong bigo. Maari din itong pantawag sa taong malungkot o nadidismaya. Sa Ingles, matatawag itong “drooping shoulder.”
BASAHIN DIN: Kidlat Sa Bilis Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng laylay ang balikat:
- Si Joem ay umuwing laylay ang balikat dahil hindi niya napapayag si Oscar na tulungan sila Kapitan Binoy sa kanilangmga karaingan.
- Kung alam ko lang na laylay ang balikat mong uuwi dito, hindi na sana kita hinayaang umalis pa.
- Napansin ni Mang Kanor na laylay ang balikat ng kanyang asawa kaya agad niya itong kinausap ng masinsinan.
- Laylay ang balikat ni Sharon dahil hindi siya nanalo sa kompetisyon.
BASAHIN DIN: Kapit Tuko Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page