Kidlat Sa Bilis Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Kidlat Sa Bilis? (Sagot)

KIDLAT SA BILIS KAHULUGAN – Pagtalakay sa totoong ibig sabihin ng kidlat sa bilis at tamang paggamit nito sa isang pangungusap.

Ang “kidlat sa bilis” ay isang halimbawa ng sawikain o idyoma. Ang mga idyoma ay nakakatulong upang mas lalong mabigyan ng diin ang pangungusap. Ito’y salita o grupo ng mga salita na patalinhaga.

Marami paring manunulat ang gumagamit ng mga matalinhagang salita kaya kailangan matutunan natin ang mga kahulugan nito. Ang pagsabi o pagsulat sa patalinhagang paraan ay isang istilo para mahikayat ng mga manunulat ang kanyang mambabasa.

Kidlat-sa-bilis-kahulugan-1

Ang ibig sabihin ng idyomang “kidlat sa bilis” ay napakabilis. Ginagamit ang salitang ito pantawag sa tao, bagay, o hayop na kumikilos na sobrang bilis na tila ba’y isang kidlat.

Ang sawikaing ito ay nakuha ang mula sa kidlat. Napakabilis ng paggalaw ng kidlat sa kalangitan. Minsan napakabilis nitong gumagalaw halos hindi ito makita ng tao. Ginagamit ang salitang ito upang ilalarawan nila ang isang bagay na gumalaw nang mabilis.

BASAHIN DIN: Kakaning-itik Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Woman-running
Photo Source: istockphoto

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng kidlat sa bilis:

  • Kidlat sa bilis nang ikalat ni Sandra ang balitang hiwalay na sina Zeinab at Skusta.
  • Ang tsismis talaga kahit kayalan ay kidlat sa bilis kung kumalat.
  • Ang action star na si Coco Martin ay kidlat sa bilis kung ang pinag-uusapan ay ang nga ginagawa niyang action serye.
  • Kidlat sa bilis kumalat sa ibang barangay yung tsismis tungkol kay Jessie.

READ ALSO: Kapit Tuko Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment