Kapit Tuko Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Kapit Tuko – Kahulugan At Halimbawa Nito

KAPIT TUKO KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang kapit tuko. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.

Ang “kapit tuko” ay isang sawikain o idyoma. Isa ito sa pinaka popular na sawikain sa bansa. Kadalasang naririnig ito sa radyo, telebisyon o ordinaryong usapan.

Ang ibig sabihin ng talinhagang ito ay matinding pag dikit sa tao, bagay o samahan kapalit ng pakinabang o benepisyo galing sa dinidikitan o kinakapitan.

KAPIT TUKO KAHULUGAN 1

Maraming tao ang kapit tuko sa mga bagay tulad nalang ng mga bagay na pinapahalagahan natin. Ayaw natin itong mawala at hindi rin natin gustong maiwan.

Isang halimbawa ay ang ating trabaho. Ayaw nating itong mawala dahil ito ang nagbibigay sa atin ng kabuhayan. Sa negatibong depenisyon, ang terminong ito ay nangangahulugan pagkapit para sa sariling interes lamang. Sa literal, kumapit na parang tuko (kumapit sa ibabaw ng kisame). Kapag naka-hawak ang tuko ito sa iyong balat o damit, napakahirap nitong maalis.

BASAHIN DIN: Kakaning-itik Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Rich-men
Photo Source: The Guardian

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng kapit tuko:

  • Kapit tuko naman iyang si Norman sa kanyang asawa.
  • Ayaw ni Cindy na mawala ang kanyang ina sa dami ng tao, kaya naman kapit-tuko ito sa kanya.
  • Kung kapit tuko sa iyo ang iyong nobyo, malamang ay natatakot iyan na maagaw ka ng iba.

BASAHIN DIN: Isang Bulate Na Lang Ang Hindi Pumipirma Kahulugan, Halimbawa

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment