Kakaning-itik Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Kakaning-itik? (Sagot)

KAKANING-ITIK KAHULUGAN – Pagtalakay sa totoong ibig sabihin ng kakaning-itik at tamang paggamit nito sa isang pangungusap.

Ang kakaning-itik ay isang halimbawa ng sawikain o idyoma. Ang mga ganitong uri ng salita ay hindi tuwirang naglalarawan ng isang bagay, sitwasyon o pangyayari.

Minsan, ang mga sawikain ay nagpapahiwatig ng sentimyento ng isa o grupo ng mga tao. Ang mga matalinhagang salita ay nakakatulong upang mas lalong mabigyan ng diin ang isang pahayag o pangungusap.

Ang “kakaning-itik” ay tumutukoy sa taong minamaliit, walang halaga, o hindi maipagpaparangalan. Maari din itong itawag sa taong madalas mabiktima.

Hindi kaaya-ayang ugali ang mangmaliit o iparamdam sa ibang tao na parang hindi sila mahalaga. Ito’y isang malupit na paraan para iparamdam sa kanila na hindi sila importante.

BASAHIN DIN: Isang Bulate Na Lang Ang Hindi Pumipirma Kahulugan, Halimbawa

woman
Photo Source: Women’s Agenda

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng kakaning-itik:

  • Kakaning-itik kung ituring ni Aling Berna ang kanyang pamangkin.
  • Palibhasa’t matanda na kaya kakaning-itik na lang para sa mga anak ang kanilang ama.
  • Wag mong tratuhin na parang kakaning-itik ang iyong pamangkin.

BASAHIN DIN: Hampas Ng Langit Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment