Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Buntong Hininga? (Sagot)
BUNTONG HININGA KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang ibig sabihin ng salitang buntong hininga at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang “buntong hininga” ay isang halimbawa ng sawikain o “idiom” sa wikang Ingles. Ito ay salita o grupo ng mga salita na patalinhaga. Ang mga pahayag na ito ay hindi tuwrirang naglalarawan ng isang bagay, sitwasyon o pangyayari.
Ang buntong hininga ito ay tumutukoy sa taong may pinagdaraanan sa buhay na hindi masyadong kaaya-aya. Ang terminong ito ay kasingkahulugan ng paghihinagpis o paghihimutok. Sa Ingles, matatawag itong “sigh.”
BASAHIN DIN: Bungang-tulog Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng buntong hininga:
- Buntong hininga ng pagsisisi si Tonyo dahil nagkamali siya ng desisyong ipasama ang kanyang mga anak sa kanyang asawa.
- Nagbubuntong hininga ang mga anak ni Ferdinand dahil lagi siyang umiinom ng alak at naninira ng gamit sa kanilang bahay.
- Ang ibang empleyado ay nagbubuntong hininga dahil sila lamang ang kumikilos sa pagsugpo ng coronavirus, samantalang ang mga mamamayan naman ay matigas ang ulo at pagala-gala lamang.
- Napa-buntong hininga na lang si Aling Doray ng masaksihan ang aksidente.
BASAHIN DIN: Bulaklak Ng Lipunan Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page