Bungang-tulog – Kahulugan At Halimbawa Nito
BUNGANG-TULOG KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng salawikaing “bungang-tulog.”
Ang sawikain o idyoma (idiom) ay tinatawag ding maikling matalinhaganag pahayag (idiomatic expression). Ginagamit ang mga idyoma upamg mabigyang diin ang sinasabi.
Ang isang pahayag ay nagiging kawili-wili o misterioso kapag hinahaluan ng sawikain. Ang mga matalinhagang salita ay nagsisilbing “ice breaker” dahil nakakapukaw ito ng damdamin sa mga nag babasa o nakikinig.
Ang ibig sabihin ng “bungang-tulog” ay panaginip. Ang mga panaginip ay mga kwento at larawan na nalilikha ng ating isipan habang tayo ay natutulog. Maaari silang maging nakakaaliw, masaya, romantiko, nakakagambala, nakakatakot, at kung minsan ay kakaiba.
Ang panaginip ay makakatulong sa na bumuo ng mga pangmatagalang alaala. Humigit-kumulang 95 porsiyento ng mga panaginip ay nakalimutan sa oras na ang isang tao ay bumangon sa kama.
BASAHIN DIN: Bukas Na Kaban Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng bungang-tulog:
- Akala ko totoo na. Bungang-tulog lang pala.
- Nanalo ako ng 100 milyon sa Lotto! Bungang-tulog lang pala ‘yon!
- Bungang-tulog lang pala na sinagot ako ni Agot.
- Bungang-tulog lang pala ang lahat.
BASAHIN DIN: Bulaklak Ng Lipunan Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page