Nagbibilang Ng Poste Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Nagbibilang Ng Poste – Kahulugan At Halimbawa Nito

NAGBIBILANG NG POSTE KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang nagbibilang ng poste. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.

Ang salitang nagbibilang ng poste ay isang halimbawa ng sawikain o idyoma. Ang mga sawikain ay mga matalinhagang salita na merong nakatagong kahulugan.

Ang mga ganitong klaseng salita ay ginagamit parin ng mga linggwistiko dahil nagdadagdag ito ng misteryo o interes sa mambabasa o tagapakinig.

Nagbibilang-ng-poste-kahulugan-1

Ang “nagbibilang ng poste” ay tumutukoy sa taong walang trabaho o taong walang pinagkakakitaan ngunit siya ay masigasig na naghahanap ng trabaho o hanapbuhay.

Ang sawikaing ito ay nagmula sa taong masugid na naghahanap ng trabaho sa bawat kanto. Pinupuntahan nila ang mga lugar na ito at sa bawat kanto na may poste kaya naman natawag silang nagbibilang ng poste.

Ang terminong ito ay madalas gamitin sa akdang pampanitikan ngunit ito’y hindi na masyadong ginagamit sa kasaluluyan.

BASAHIN DIN: Maaliwalas Ang Mukha Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Man-job-hunting
Photo Source: Collabera Singapore

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng nagbibilang ng poste:

  • Akala ko kung saan nagpupunta itong is Bernard nagbibilang pala ng poste.
  • Ayaw na magbilang ng poste ni Tonyo.
  • Nagbibilang ng poste si Josie kung kaya bukas ay sasama ako sa kanya.
  • Si Kent ay nagbibilang ng poste lalo’t ngayong pandemya.

BASAHIN DIN: Mahina Ang Loob Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment