Maaliwalas Ang Mukha Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Maaliwalas Ang Mukha – Kahulugan At Halimbawa Nito

MAALIWALAS ANG MUKHA KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang maaliwalas ang mukha at iba pang kaalaman tungkol dito.

Ang mga matalinhagang salita ay may malalalim na kahulugan. Ito’y ginagamitan ng sawikain, kasabihan, simili, personipikasyon at iba pang uri ng mga nakakalito at mabubulaklak na nga salita.

Ang salitang “maaliwalas ang mukha” ay isang halimbawa ng sawikain o “idiom” sa wikang Ingles. Ito’y isa sa pinaka popular na idyoma sa bansa.

MAALIWALAS-ANG-MUKHA-KAHULUGAN-1

Ang maaliwalas ang mukha ay tumutukoy sa isang tao na palangiti, masiyahin, at merong magandang disposisyon sa buhay. Nakikita sa mukha at awra ang isang tao kapag siya ay masaya, magiliw at nagiging maaliwalas ang mukha nito.

Ang idyomang ito ay ginagamit sa mga usapan at pantawag sa isang positibong tao. Ito’y nagagamit din sa mga sulating pormal at di pormal tulad ng sanaysay, tula, o kwento.  

BASAHIN DIN: Lahing Kuwago Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

MAALIWALAS-ANG-MUKHA-1
Photo Source: Lifehack

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng maaliwalas ang mukha:

  • Maaliwalas ang mukha ni Yenly sa tuwing papasok siya sa paaralan
  • Maaliwalas ang mukha ni Martha dahil pauwi na ang nanay nya galing China.
  • Nakakatuwa ang taong maaliwalas ang mukha.
  • Ngayon maaliwalas na ang kanyang mukha at palagi na siyang nakangiti dahil nagkabalikan na ang kanyang mga magulang.

BASAHIN DIN: Lumuha Ng Bato Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment