Lawit Ang Dila Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Lawit Ang Dila – Kahulugan At Halimbawa Nito

LAWIT ANG DILA KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng sawikaing “lawit ang dila”.

Ang sawikain o idyoma ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga. Ang mga salitang ito ay may dalang aral at kadalasang naglalahad ng sentimeyento ng tao.

Malalim na salita ang ginagamit sa idyoma at pinapalitan ang ordinaryong tawag kaya ito’y nagiging matalinhagang salita.

Ang lawit ang dila ay nangangahulugan na pagod na ang isang tao sa kanyang ginagawa. Ginagamit rin ang teminong ito sa paglalarawan ng tao na sobrang marami na ang nagawang trabaho sa buong araw.

Ang idyomang ito ay paghahalintulad sa mga aso na parating humangos na nakalabas ang dila matapos ang pagtakbo. Ang salitang ito ay kadalasang nagagamit at mababasa sa mga akdang pampanitikan tulad ng sanaysay, tula, at maikling kwento.

BASAHIN DIN: Hawak Sa Leeg Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

man
Photo Source: Vox

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng lawit ang dila:

  • Lawit ang dila ni Josephine sa kakabungkal ng lupa sa kanyang taniman sa likuran ng kanyang bahay.
  • Lawit ang dila ni Kiko pagkauwi galing trabaho.
  • Lawit ang dila ni Vina pagkauwi galing paaralan.

BASAHIN DIN: Laman Ng Lansangan Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment