Laman Ng Lansangan Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Laman Ng Lansangan – Kahulugan At Halimbawa Nito

LAMAN NG LANSANGAN KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang ibig sabihin ng salitang laman ng lansangan at ang mga halimbawa nito na ating makikita.

Ang “laman ng lansangan” ay isang halimbawa ng sawikain o idyoma. Ang mga ganitong uri ng salita ay may dalang aral at kadalasang nagpapahiwating ng sentimyento ng isa o grupo ng mga tao.

Ang laman ng lansangan ay nangangahulugan na ang isang tao ay laging nasa kalye o kanto. Istambay o tambay ang tawag dito sa kolokyal na termino ng mga Pinoy.

LAMAN-NG-LANSANGAN-KAHULUGAN

“Laman ng lansangan” ang nagging tawag sa mga istambay dahil lagi silang nakikita sa lansangan na para bang ‘lamang loob’ ng lansangan inihahawig sa isang katawan.

Ang terminong ito ay sumasailalim sa isang kultura ng mga Pinoy sa pagkakaroon ng hilig sa pag istambay sa kalsada para magpalipas oras. Ang laman ng lansangan ay madalas marinig sa mga balita, editorial, dokumentaryo at iba pang babasahin. Naririnig din ito sa mga telebisyon, radio at pelikula.

BASAHIN DIN: Galit Sa Pera Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

ISTAMBAY
Photo Source: Herbert Curia

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng laman ng lansangan:

  • Laman ng lansangan na yang lalaking yan kaya madalang ng umuwi ng bahay.
  • Simula noong ako’y bata pa si Yanyan ay laman ng lansangan at napakadungis na.
  • Si Tonyo ay laman ng lansangan.

BASAHIN DIN: Hawak Sa Leeg Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment