Lahing Kuwago – Kahulugan At Halimbawa Nito
LAHING KUWAGO KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang lahing kuwago. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.
Karamihan sa mga manunulat ay gumagamit parin ng mga matalinhagang salita. Ang pag limbag ng babashin o pag sabi nito ay isang istilo para mahikayat pa nila ang kanilang mambabasa o tagapakinig.
Ang sawikain o “idiom” sa wikang Ingles ay salita o grupo ng mga salita na patalinhaga. Nagkakaroon ng kapangyarihan ang isang basahin o sinasabi kapag hinahaluan ito ng sawikain.
Ang “lahing kuwago” ay isang halimbawa ng sawikain. Ang salitang ito ay tumutukoy sa isang tao na gising kapag gabi at namamahinga naman kung umaga.
Ang kuwago ay isang uri ng hayop na nocturnal o sa gabi lamang gising. Ang sawikaing ito ay kadalasang naririnig sa ordinaryong usapan. Madalang lamang itong gamitin sa mga babasahin.
BASAHIN DIN: Bumangga Sa Pader Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng lahing kuwago:
- Itong si Bea ay may sa lahing kuwago.
- Si Penelope ay may lahing kuwago.
- Marami sa mga call center agent ay mga lahing kuwago.
- Parang may lahing kuwago ang may-ari ng malaking bahay na yan.
BASAHIN DIN: Malikot Ang Kamay Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page