Inaapoy Ng Lagnat – Kahulugan At Halimbawa Nito
INAAPOY NG LAGNAT KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng salawikaing “inaapoy ng lagnat.”
Ang “inaapoy ng lagnat” ay isang halimbawa ng sawikain o idyoma. Ito’y matalinhagang salita na kung minsan ay nagsasaad ng sentimyento ng isa o grupo ng mga tao.
Ang “inaapoy ng lagnat” ay nangangahulugan na ang isang tao ay may mataas na temperatura o lagnat. Karaniwan itong pantawag sa taong may sakit kabilang na ang pagkakaroon ng trangkaso.
Kapag kasi may sakit o lagnat ang isang tao, tumataas ang temperature nito. Di man kasing taas ng apoy ang temperatura nito, pero sapat na para ikompara dahil mapapasko ka kapag kinapa mo ang isang may sakit.
Ang terminong ito ay parating ginagamit ng mga magulang, doctor, o sinumang nag babantay sa isang taong may lagnat. Ito’y parating nababasa o naririnig sa mga ulat na may kinalaman sa kalusugan.
BASAHIN DIN: Lawit Ang Dila Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng inaapoy ng lagnat:
- Nag-alala sina George at Lyka nang malamang inaapoy ng lagnat si Mr. Sy.
- Medyo inaapoy ata ako ng lagnat.
- Inaapoy ng lagnat ang bagong silang na anak ni Helen.
- Kailangan na natin syang dalhin sa hospital dahil inaapoy na siya ng lagnat.
BASAHIN DIN: Luha Ng Buwaya Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page