Galit Sa Pera Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Galit Sa Pera – Kahulugan At Halimbawa Nito

GALIT SA PERA KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang galit sa pera. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.

Ang “galit sa pera” ay isang halimbawa ng sawikain of “idiom” sa wikang lngles. Ang sawikain ay salita o grupo ng mga salita na patalinhaga.

Ang mga idyoma ay kadalasang nagdadala ng aral at nagpapahiwatig ng damdamin kaya hangang ngayon, ginagamit parin ito ng mga linggwistiko. Ang mga idyoma ay nagsisilbing “ice breaker” sa isang pahayag na nakakapukaw ng damdamin ng mga nagbabasa o nakikinig.

GALIT-SA-PERA-KAHULUGAN

Ang “galit sa pera” ay tumutukoy sa isang tao na mahilig gumastos, hindi mapakali kapag merong salapi sa kamay, o panay waldas. Ang taong ito ay tinatawag na galit sa pera dahil tila hindi sila magkasundo at nais nyang ihiwalay sa kanya ang salapi.

Ang sawikain na ito ay madalas ginagamit sa pag-uusap at pagsesermon. Ito’y bahagi ng pangaral ng mga ina, kaibigan o sino man tungkol sa taong hindi maayos sa paggasta ng pera. Ito’y ginagamit ng ilan sa mga panulat at akdang pampanitikan tulad ng maikling kwento, sanaysay, at tula.

BASAHIN DIN: Parang Kiti-Kiti Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Man-with-money
Photo Source: Adobe Stock

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng galit sa pera:

  • Si Xander ay galit sa pera kung kayat lagi siyang bumabalik sa mall upang mamili.
  • Ang asawa ni Mandi ay parang laging galit sa pera tuwing araw ng swelduhan.
  • Talaga namang galit sa pera si Olive.

READ ALSO: Nagbibilang Ng Poste Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment