Bukang Liwayway – Kahulugan At Halimbawa Nito
BUKANG LIWAYWAY KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng bukang liwayway at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang “bukang liwayway” ay isang halimbawa ng sawikain o idyoma. Ang mga ganitong uri ng salita ay nagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal o hindi binubuo ang tumpak na kahulugan ang mga salitang na buo.
Parati nating naririnig ang terminong “bukang liwayway” sa mga palabas sa telebisyon o radio. Kadalasan itong ginagamit kapag nagpapakita ng pagbabago o pagbangon.
Ang “bukang liwayway” ay hudyat rin ng panibagong pagsisimula, pag-asa, o oras ng paghihimagsik. Ngunit ano ng aba talaga ang ibig sabihin ng salitang ito?
Himayin natin ang bawat salita.
Buka: Pagbubukas
Liwayway: Madaling Araw, Liwanag
Pag pinagsama ang dalawang salita: pagsisimula ng liwanag o pagbubukas ng liwanag. Ang ibig sabihin ng idyomang ito ay unang paglitaw ng liwanag sa kalangitan bago ang pagsikat ng araw. Ito ay hudyat ng pag-umpisa ng panibagong araw.
BADAHIN DIN: Bukal Sa Loob Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng bukang liwayway:
- Ang oras ng ating pagtatagpo ay sa pagpatak ng bukang liwayway
- Ang bukang liwayway ay simbolo ng karamihan bilang pagsisimula ng bagong umaga.
- Hindi namalayan ni Roy ang oras kaya bukang liwayway na ng siya’y makauwi.
- Tuwing nagbubukang liwayway ay gumigising si Lito upang magluto.
BASAHIN DIN: Bantay-salakay Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page