Bukal Sa Loob – Kahulugan At Halimbawa Nito
BUKAL SA LOOB KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng bukal sa loob at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang “bukal sa loob” ay isang halimbawa ng sawikain o idyoma. Ang mga sawikain ay parte na ng ating mga karunungang bayan. Ito’y mga kasabihan na naipasa sa atin ng ating mga ninuno na galling din sa kanilang mga karanasan.
Kahit luma na ang mga salitang ito, ginagamit parin ito ng ating mga linggwistiko. Nagiging mas kawili-wili ang kanilang mga obra kapag nilalagyan nila ng mga sawikain.
Ang ibig sabihin nito ng “bukal sa loob” ay tauspuso o tauspusong pagbibigay ng wala man lang pag-aalangan o paghihinayang. “Bukal sa loob” ang tawag kapag ang isang tao ay nagbibigay o gumagawa ng isang bagay na hindi labag sa kanyang kalooban.
BASAHIN DIN: Basa Ang Papel Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng bukal sa loob:
- Bukal sa loob ang ginawa niyang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo.
- Bukal sa loob ni Banjo ang pagtulong asa kapwa.
- Si Edgar ay bukal sa loob ang pagtulong sa kapwa.
- Bukal sa loob ang pag uubaya niya sa kanyang bunsong kapatid na ito muna ang unang mag aaral sa kolehiyo dahil sa kakapusang pinansyal.
BASAHIN DIN: Bantay-salakay Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page