Alilang-kanin – Kahulugan At Halimbawa Nito
ALILANG-KANIN KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng salawikaing “alilang-kanin.”
Ang mga sawikain o idyoma ay salita o grupo ng mga salita na patalinhaga. It ay hindi tuwirang naglalarawan ng isang sitwasyon, bagay o pangyayari.
Ang mga sawikain ay nakaktulong upang mas lalong mabigyan ng diin ang pahayag. Ang mga salitang ito ay nakakapukaw din ng damdamin ng ngababasa o nakikinig.
Ang “alilang-kanin” ay tumutukoy sa isang tao na nagtatrabaho para lang sa pagkain at hindi sa pera. Kapag ang isang tao ay nagtatrabalo bilang isang alilang kanin, ang amo nito ay walang binabayad sa kanya kundi pagkain lamang.
Ang terminong ito ay hindi na masyadong ginagamit ngunit mababasa parin ito sa mga kwento, tula, o sanaysay. Ginagamit din ito minsan ng mga matatanda.
BASAHIN DIN: Inaapoy Ng Lagnat Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng alilang-kanin:
- Si Rex ay alilang kanin ng kanyang Tiya Lucia.
- Dorothy, huwag ka namang masyadong masungit sa katulong natin, alalahanin mong alilang-kanin siya.
- Alam naman ninyo na si Jophet ay alilang-kanin lang.
- Ulilang-lubos si Nathan kaya inampon siya ng kanyang tiyohin. Subalit ang kinalabasan niya’y alilang- kanin.
BASAHIN DIN: Agaw-dilim Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page