Tinik Sa Lalamunan – Kahulugan At Halimbawa Nito
TINIK SA LALAMUNAN KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang tinik sa lalamunan. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.
Ang “tinik sa lalamunan” ay isang halimbawa ng sawikain o “idiom” sa wikang Ingles. Ang ibig sabihin ng salitang ito ay problema o hadlang.
Ito ay tumutukoy sa isang tao, bagay o pangyayari na nagiging hadlang sa pag kamit ng mga ninanais. Sa Ingles, matatawag itong “thorn in my throat.”
Ang idyomang ito ay nagmula sa karanasan ng ilan na matinik sa kinaing isda. Ito’y nagiging balakid upang makakain ng maayos. Masakit sa pakiramdam na magkaroon ng tinik sa lalamunan kaya naging simbolo ito ng problema ng isang tao.
Ang terminong ito ay madalas gamitin sa mga akdang pampanitikan na merong malalim na pananalita.
BASAHIN DIN: Usad Pagong Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng tinik sa lalamunan:
- Ayokong maging tinik sa lalamunan ng aking pamilya kaya sisikapin ko na makatapos ng pag-aaral.
- Tila nabunutan ng tinik sa lalamunan si Angie nang makuha niya ang pera na padala ng tatay nya.
- Bata pa lamang ako ay tinik sa lalamunan ko ang asignaturang Siyensya.
- Tinik sa lalamunan ni Georgia ang kabubukas pa lamang na tindahan sa palengke.
BASAHIN DIN: May Bulsa Sa Balat Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page