Nasa Loob Ang Kulo – Kahulugan At Halimbawa Nito
NASA LOOB ANG KULO – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng nasa loob ang kulo at ang halimbawa nito.
Kailangan nating malaman ang mga kahulugan ng mga sikat kasabihan sa bansa tulad na lamang ng “nasa loob ang kulo.” Maaari itong nanggaling sa ating lolo at lola, magulang, paaralan, o sa mga kaibigan natin.
Ang mga kasabihan ay nanggaling sa mga karanasan ng isang tao o aral na kanyang natututunan sa buhay. Ito rin ay nag bibigay sa atin ng gabay.
Ang kasabihang “nasa loob ang kulo” ay tumutukoy sa taong parang walang pake sa labas pero sa loob pala nya ay merong emosyon. Nangahulugan din ito na ang kasamaan ng tao ay hindi pa nya pinapalabas.
Sabi ng mga eksperto sa wika, ang kasabihang ito ay inihalintulad daw sa isang bulkan. Kapag daw kasi sumabog na o lumabas na ang magma, nakakapinsala ito. Nahahalintulad ito sa ugali ng tao kapag galit na akala moy bulkang tahimik pero may itinatago palang bangis.
BASAHIN DIN: Itaga Sa Bato Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng nasa loob ang kulo:
- Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo.
- Akala ko mabait si George pero nasa loob pala ang kulo.
- Malakas ang kutob ko na nasa loob ang kulo ng babaeng yan.
- Huwag kang pa kumpiyansa kay Tonyo nasa loob ang kulo ng lalaking yan.
BASAHIN DIN: Daga Sa Dibdib Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page