May Bulsa Sa Balat – Kahulugan At Halimbawa Nito
MAY BULSA SA BALAT KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang may bulsa sa balat. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.
Ang wikang Pinoy ay hitik sa maraming klase ng panitikan. Isang uri nito ay ang mga matalinhagang salita. Ito’y may malalalim na kahulugan o di kaya’y halos walang tiyak ang ibig-ipahiwatig maliban sa literal na kahulugan nito.
Ang mga salitang ito ay ginagamitan ng mga idyoma, kasabihan, simili, personipikasyon at iba pang uri ng mga nakakalito o mabubulaklak na salita.
Ang “may bulsa sa balat” ay isang halimbawa ng idyoma. Ang salitang ito ay tumutukoy sa isang taong kuripot o lubhang mahigpit sa pera.
Sinasabing may bulsa sa balat ng taong kuripot dahil sa galing nitong mag tago ng pera na akala mo’y kailangan pa ng operasyon para mabuksan ang balat para makagastos.
Mahalaga ang terminong ito dahil ito’s pag kilala sa kulturang Pilipino na pagiging kuripot. Sa isang bansang tulad ng Pinas na mahirap, marami talaga ang nagtitipid.
BASAHIN DIN: Nasa Loob Ang Kulo Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng may bulsa sa balat:
- Hala wag mong tipirin ang sarili mo para kang may bulsa sa balat niyan.
- Nakakatulong ang pagiging may bulsa sa balat ni Helen kasi nakakabayad sya agad ng mga gastusin sa bahay nila.
- May bulsa sa balat ang aking pinsan dahil nung kaaraawan niya ang pinakain lang sa amin ay biskwit.
- Si Jose ay may bulsa sa balat dahil tumatahimik nalang ito kapag oras nang mag bayad sa karenderia.
BASAHIN DIN: Daga Sa Dibdib Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page