Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Itaga Sa Bato? (Sagot)
ITAGA SA BATO KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang ibig sabihin ng salitang itaga sa bato at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang “itaga sa bato” ay isang halimbawa ng sawikain o idyoma. Ang talinhagang ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay nangako o sinasabi sa kausap na tandaan ang kanyang sinabi.
Gagawin at tutuparin ng taong ito ang kanyang sinabi kahit na anong mangyari. Ang iba pang kahulugan ng idyomang ito ay “isinusumpa,” “ipinapangako,” o “pakitatandaan.”
Ang sawikaing “itaga sa bato” ay nagmula sa literal na kahulugan na hindi basta-basta natataga ang isang bato dahil sa tibay nito. Kaya naman, pag ang isang tao ay nag sabi nito, gagawin nya at tutuparin nya ang kanyang sinabi.
Ang salitang ito ay pagpapatunay na sa kulturang Pinoy ay importante ang isang salita. Kailangan nating tuparin ang ipinangako sa isang tao upang mapanatili ang magandang samahan.
BASAHIN DIN: Ilista Sa Tubig Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng itaga sa bato:
- Dumaan man ang maraming panahon at hindi na mabilang ang mga lumipas na taon, itaga mo sa bato pagmamahal ko ay mananatiling sayo.
- Itaga mo sa bato na ang pag-ibig ko sayo ay hindi magbabago.
- Kahit kailan hindi na ako pupunta pa rito. Itaga mo yan sa bato!
- Itaga mo sa bato na ako ay magiging kaibigan mo hanggang sa tumanda tayo.
- Itaga mo sabato na magsisikap ako sa aking pag-aaral.
BASAHIN DIN: Di Makabasag Pinggan Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page