Ilista Sa Tubig Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Ilista Sa Tubig – Kahulugan At Halimbawa Nito

ILISTA SA TUBIG KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang ilista sa tubig. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.

Ang “ilista sa tubig” ay sang halimbawa ng sawikain o “idiom” sa wikang Ingles. Ang sawikain ay mga pariralang hindi bumubuo ng tumpak o buong kahulugan.

Ito ay mga terminong walang tuwirang kahulugan. Ang mga sawikain ay karaniwang ginagamit ng mga manunulat sa paglimbag ng mga basahin kaya’t kailan malaman din natin ang mga kahulugan nito.

ILISTA-SA-TUBIG-KAHULUGAN

Ang idyomang “ilista sa tubig” ay nangangahulugan na kalimutan ang isang pangyayari o bagay. Ang salitang ito ay madalas gamitin ng matatanda para ipahiwatig na ibaon nalang sa limot ang isang bagay o pangyayari.

Maari din itong tumukoy sa pangako na hindi natupad. Pwedeng sabihing nailista ito sa tubig dahil walang nagpaalala at itinangay na lang ng agos. Napakaimposible kasi sumulat sa tubig kaya ang sawikain na ito ay direktang tumutukoy na kalimutan na lang ito.

BASAHIN DIN: Kuwentong Barbero Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Man-woman
Photo Source: WikiHow

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng ilista sa tubig:

  • Hindi na talaga ako magpapautang sa Michael na ‘yan dahil sa ilang taong lumipas, ang lahat ng utang niya ay inilista na sa tubig
  • Ang utang ni Pedro sa’yo ay ilista mo na lamang sa tubig dahil umalis na kaninang umaga papuntang probinsya.  
  • Ilista mo sa tubig ang mga pinag-usapan natin.
  • Ilista mo na lang sa tubig ang aking utang.

BASAHIN DIN: Di Makabasag Pinggan Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

1 thought on “Ilista Sa Tubig Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap”

Leave a Comment