Ibaon Sa Hukay – Kahulugan At Halimbawa Nito
IBAON SA HUKAY KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng ibaon sa hukay at ang halimbawa nito.
Marami parin sa atin ang nalilito kapag nakarining o nakabasa ng mga sawikain o idyomang salita. Kaya naman, importanteng pagtuunan ng pansin ang mga salitang hindi pamilyar sa atin.
Kabilang sa mga salitang malalalim ay ang “ibaon sa hukay.” Ito’y isa sa pinaka sikat na sawikain sa bansa.
Ang “ibaon sa hukay” ay tumutukoy sa isang bagay na dapat na lamang kalimutan at wag nang balikan pa. Nagmula ang salitang ito sa konsepto ng buhay na kapag namatay ang isang tao ay inilalagay sa hukay. Dapat lang daw ilagay sa hukay ang mga bagay na dapat ng kalimutan.
Ang salitang ito ay ginagamit sa iba’t-ibang akdang pampanitikan. Kadalasan itong ginagamit ng mga linggwistiko dahil isa itong malikhaing paraan upang sabihin na dapat ng kalimutan ang isang bagay.
BASAHIN DIN: Ginintuang Tinig Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng ibaon sa hukay:
- Ibaon mo na sa hukay ang nakaraan.
- Ibaon mo na lang sa hukay ang pangako niyang babalik siya.
- Ibinaon na sa hukay ni Jess ang araw ng magkasama sila ng kanyang nobya.
- Huwag mong ibaon sa hukay ang mga alala niya.
BASAHIN DIN: Matalas Ang Tainga Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page