Dinilaan Ng Baka Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Dinilaan Ng Baka – Kahulugan At Halimbawa Nito

DINILAAN NG BAKA KAHULUGAN –  Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang dinilaan ng baka. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.

Marami parin sa atin ang nalilito kapag nakakatagpo ng mga malalalim na salita sa tuwing tayo ay nagbabasa. Kahit sa mga ordinaryong usapan, ang ibang tao ay gumagamit din ng mga matalinhagang salita.

Kaya naman, importanteng pagtuunang pansin ang mga salitang hindi pamilyar sa atin. Isa sa pinaka popular na talinhagang salita sa bansa ay ang “dinilaan ng baka.”

DINILAAN-NG-BAKA-KAHULUGAN

Ang salitang “dinilaan ng baka” ay tumutukoy sa isang bagay na sobrang tuwid na pagkaayos. Parati itong inilalarawan sa buhok ng isang tao.

Ang dila kasi ng baka ay makapal at malaki. Parati ding naglalaway ang hayop na ito kaya naman kapang dinilaan ka nito, siguradong mababasa ka at matutuwid ang anumang lukot.

Ang terminong ito ay madalas ginagamit sa mga biruan. Ito’y isang malikhaing paraan para sabihin kung gaano kaayos o nag-ayos ng kanyang sarili ang isang tao.

BASAHIN DIN: Ibaon Sa Hukay Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Men
Photo Source: phcorner.net

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng dinilaan ng baka:

  • Ang buhok ni Harold parang dinilaan ng baka, unat na unat.
  • Ang sabi ni sir gusto nya yung parang dinilan daw ng baka yung buhok nya.
  • Dumating si Yolly sa paaralan na parang dinilaan ng baka ang buhok.

BASAHIN DIN: Matalas Ang Tainga Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment