Di Mahulugan Ng Karayom – Kahulugan At Halimbawa Nito

Di Mahulugan Ng Karayom Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

DI MAHULUGAN NG KARAYOM – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang di mahulugan ng karayom. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.

Ang ating mga linggwistiko at manunulat ay gumagamit parin ng mga sawikain o idyoma. Ginagamit nila ito sa paglimbag at paglathala ng iba’t-ibang uri ng babasahin.

Ang mga salitang ito ay malayo sa komposisyonal na paliwanag ng isang ideya kung kaya’t ito ay itinuturing na hindi tuwirang pagbibigay kahulugan. Isa sa pinakasikat na idyoma sa bansa ay ang “di mahulugan ng karayom.”

DI-MAHULUGAN-NG-KARAYOM-KAHULUGAN

Ang ibig sabihin ng “di mahulugan ng karayom” ay maraming tao o masikip. Ito ay tumutukoy sa isang lugar na puno na o nagsisiksikan na ang mga tao.

Literal ang kahulugan ng sawikaing ito na kapag ang isang lugar ay dinagsa ng napakaraming tao, kahit napakanipis na ng karayom ay hindi na pwedeng makasingit pa.

BASAHIN DIN: Nakahiga Sa Salapi Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Crowded-place
Photo Source: Medium

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng di mahulugan ng karayom:

  • Di mahulugang karayom ang mga dumalo sa protesta laban sa pangulo.
  • Ang sabi sa balita ay di malaglagang karayom na daw ngayon sa terminal ng bus.
  • Ang mga daanan sa divisoria ay di mahulugang karayom tuwing pasko dahil sa dami ng tao.
  • Di mahulugang karayom ang parke sa dami ng gustong makapanood sa pagtatanghal ni Sarah Geronimo.

BASAHIN DIN: Abot-tanaw Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment