Daga Sa Dibdib Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Daga Sa Dibdib? (Sagot)

DAGA SA DIBDIB KAHULUGAN – Pagtalakay sa totoong ibig sabihin ng daga sa dibdib at tamang paggamit nito sa isang pangungusap.

Ang salitang “daga sa dibdib” ay isang halimbawa ng sawikain o idyoma. Importanteng maintindihan natin ang kahulugan ng mga talinhagang dahil kasagaran parin itong ginagamit ng ating mga manunulat.

Ang “daga sa dibdib” ay tumutukoy sa isang tao na nakararanas ng takot, matinding kaba, pag-aalala, pagkabalisa, o hindi mapakali.

DAGA-SA-DIBDIB-KAHULUGAN

Mabilis ang tibok ng puso ng isang tao kapag natatakot o kinakabahan. Hindi ito literal na kahulugan na may daga sa ating puso. Ginagamit lamang ang daga para gawing simbolo sa sawikaing ito dahil ang daga ay makulit na uri ng hayop. Kaya naman sinasabing may daga na gumagalaw sa ating dibdib.

BASAHIN DIN: Ilista Sa Tubig Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Nervous-person
Photo Source: Digital DJ Tips

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng daga sa dibdib:

  • Naramdaman kong may daga sa aking dibdib pagka-apak ko sa entablado.
  • May daga sa dibdib ko sa kasalukuyan na pilit kong binabalewala.
  • Nadarama ko ang daga sa dibdib ni Lando kaya ayaw na niyang tumuloy sa Maynila.
  • Habang nagsasalita siya sa harap ay naramdaman niyang may daga siya sa dibdib.

BASAHIN DIN: Itaga Sa Bato Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment