Abot-tanaw – Kahulugan At Halimbawa Nito
ABOT-TANAW KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng abot-tanaw at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Marami paring mga manunulat sa Pilipinas na gumagamit ng mga matalinhagang salita. Isa sa mga popular na talinhagang salita sa bansa ay ang “abot-tanaw.”
Ang salitang ito ay nangangahulugang ang isang bagay ay malapit na lamang o naabot na ng paningin. Ang idyomang ito ay literal ang pinagmulan dahil kapag nakikita na ng ating mga mata at kaya na natin itong abutin.
Hanggang ngayon, ang “abot-tanaw” ay ginagamit parin sa mga sanaysay, tula, o iba pang akda na merong positibong disposisyon sa buhay. Ang salitang ito ay nagpapahiwatig na ang isang bagay ay malapit nang makakamtan o possible nang maabot.
BASAHIN DIN: Nakahiga Sa Salapi Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng abot-tanaw:
- Abot-tanaw ko na ang aking pangarap.
- Sa tuwing tumitingin sa buwan si Kenneth palagi niyang nararamdaman na malapit lang at abot tanaw lamang ito.
- Si Meriam ay papasok na sa kolehiyo sa pasukan, at sa puntong iyon abot tanaw na niya ang kanyang mga pangarap.
- Abot tanaw na ni Julia ang pangarap niyang maging balibulista, kung hindi lamang siya napilay at nagkasakit sa buto.
- Walang madaling daan upang maging abot tanaw ang iyong mga minimithi dahil lahat ay nagsisimula sa hirap.
BASAHIN DIN: Tinik Sa Lalamunan Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page