Parang Biyernes Santo ang Mukha Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
PARANG BIYERNES SANTO ANG MUKHA KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng parang biyernes santo ang mukha at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang “parang biyernes santo ang mukha” ay isang matalinhagang salita. Ang mga matalinhagang salita tulad nito ay parating ginagamit ng mga linggwistiko at mga manunulat sa pag gawa ng mga iba’t-ibang uri ng babasahin.
Ito’y may malalalim na kahulugan at ginagamitan ng mga kasabihan, idyoma, personipikasyon at simili at iba pang uri ng nakakalito o mabubulaklak na salita. Mas naging kawili-wili ang mga babasahin kapag hinahaluan ng mga talinhagang salita.
Ang talinhagang “parang biyernes santo ang mukha” ay tumutukoy sa isang tao na may pinagdaraanan at makikita ang lungkot sa kanyang mukha. Ang salitang ito ay ginagamit iba’t-ibang pampanitikan tulad ng tula, nobela, at mga kuwento. Parati din itong ginagamit sa mga usapan.
Ang kasabihang ito ay inihango sa pagkilala ng mga Pinoy sa Biyernes Santo kung saan pinaniniwalaang nagpakasakit at namatay ang Panginoong Hesus sa krus.
BASAHIN DIN: Amoy Tsiko – Kahulugan At Halimbawa Nito
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng parang biyernes santo ang mukha:
- Birthday na birthday mo pang-biyernes santo mukha mo.
- Bakit mukhang Biyernes Santo si Marko.
- Bakit parang biyernes santo ang mga mukha natin?
- Bakit ka mukhang Biyernes Santo?
- Kanina parang biyernes santo yang mukha mo.
BASAHIN DIN: Palamuning Baboy – Kahulugan At Halimbawa Nito
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page