Pantay Ang Paa Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Pantay Ang Paa? (Sagot)

PANTAY ANG PAA KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng pantay ang paa at ang mga halimbawa nito na ating makikita.

Ang “pantay ang paa” ay isang halimbawa ng sawikain o idyoma. Ito’y salita o grupo ng mga salita na patalinhaga. Parati itong ginagamit ng mga manunulat dahil nagdadala ito ng aral at nagpapahiwatig ng damdamin. Sa halip na ordinaryong salita, malalalim na mga salita ang kanilang ginagamit.

Ginagamit ang idyomang pantay ang paa sa mga sulating katulad ng dula, sanaysay, tula at iba pang akdang pampanitikan.

PANTAY-ANG-PAA-KAHULUGAN

Ang idyomang “pantay ang paa” ay tumutukoy sa isang taong sumakabilang buhay na o namayapa na. Ang literal na kahulugan nito ay diretso ang mga paa.

Sabi kasi ng siyensya, mahirap daw iposisyon ng direcho ang pa ng tao kapag buhay pa. Ngunit sa oras na wala na itong buhay, madali nalang itong iayos. Ang salitang ito ay pwede ring tumukos sa paraan natin ng paglalagay ng patay sa kabaong na magkapantay ang paa ant ulo ng isang yumao.

BASAHIN DIN: Buto’t Balat – Kahulugan At Halimbawa Nito

PANTAY-ANG-PAA
Photo Source: iStock

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng pantay ang paa:

  • Naiyak si Mornoy nang malaman niyang pantay na ang paa ng kapatid niyang si Mandy pagdating niya sa kanilang bahay.
  • Pantay ang mga paa nang datnan ni Juliet ang kanyang lolo sa kwarto.
  • Kailan ka pa hihingi ng tawad sa iyong tatay, kapag pantay na ang kanyang mga paa?

BASAHIN DIN: Naghihintay Ng Pasko Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment