Palamuning Baboy – Kahulugan At Halimbawa Nito

Kasagutan: Palamuning Baboy Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

PALAMUNING BABOY KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng palamuning baboy at ang halimbawa nito.

Ang mga sawikain o idioms sa wikang Ingles ay isa sa mga unang paraan ng pakikipagkomunikasyon noong unang panahon. Hanggang ngayon, ginagamit parin ito ng mga manunulat upang maging kawili-wili ang kanilang mga basahin. Ang iba dito ay ginagamit sa pang araw-araw na pakikipag talastasan.

Ang mga matalinhagang salita ay nagbibigay kulay sa mga simpleng salita. Kailangan nating pag aralan ang mga salitang ito dahil nagpapalawak at nakakapagpahasa ng ating pagka Pinoy.

PALAMUNING-BABOY-KAHULUGAN

Isa sa pinaka sikat na idyoma sa bansa ay ang “palamuning baboy.” Ang salitang ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay tamad, pabigat, o walang silbi sa kanyang mga kasama particular na ang mga kaanak o magulang.

Ang salitang ito ay nagmula sa gawain ng baboy na kumain at magpahinga lang maghapon. Ang hayop na ito ay wala nang ibang dulot hindi katulad ng kambing, kalabaw o iba pang hayop sa bukid.

Ang “palamuning baboy” ay nagagamit bilang pantukoy sa taong walang silbi. Ito’y isang malikhaing paraan upang ipahayag ang pagkadismaya sa isang taong tamad.

BASAHIN DIN: Lantang Gulay Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

PALAMUNING-BABOY-1
Photo Source: wedowe

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng palamuning baboy:

  • Palamuning baboy na lang yang si Arthur mula nang iwan ng kanyang asawa.
  • Sinabihan ka ng tatay mo na huwag gayahin ang pinsan mong si Clint na palamuning baboy.
  • Palamuning baboy yung nanay ng asawa niya.
  • Kung alam ko lang na palamuning baboy ka pala ay hindi sana kita pinakasalan.

BASAHIN DIN: Kalapating Mababa Ang Lipad Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment